Pagbabago

Dear Team Marquez

Masyado yata kayo natuwa at ayaw nyo akong palitan. Sabi ko nga change is beautiful. Hindi kayo nakinig. Salamat muli sa suporta pero last na ito ha.

Hindi ako nagrereklamo kasi nakikita ko naman na lahat tayo ay nagkakaisa na mapabuti ang team, mapabuti ang bawat isa sa atin. Madaling mag organize ng mga bagay-bagay kasi lahat tayo ay walang pag-aalinlangan sa pagtaas ng kamay kapag may kailangang gawin. Speaking of kailangang gawin, recap lang natin ang mga responsibilidad na binigay nyo sa amin.

Kapitan – ang batas (YEAH!) taga-utos at taga kalabit sa mga kasapi. Magandang halimbawa (lol) na pagaling nangungulit sa mga training at mga gawain ng grupo.

Pangalawang Kapitan – ang unang utusan. Inuustusan ng kapitan ng tumutok sa ensayo ng grupo. Taga kausap kay Coach tungkol sa ensayo at tagasubaybay sa mga nautusan na manguna sa mga ensayo. Kasama ni Kapitan, ni Coach at mga kasama sa membership committee, titingin sa mga nais sumali sa grupo at kukunin ang opinsyon ng mga kasapi sa grupo tungkol sa kanila.

Ingat Yaman – ang pinakamayaman. Matagal na syang kalihim at alam na nya gagawin nya. Taga tago ng pera, taga-bayad (pwede naman mag-utos na magbayad). Taga report kung ano na mga pangyayari sa kaperahan.

Tagahanap ng Ninong – ang pinakamasarap kausap. Lahat tayo kailangang maghanap ng Ninong (Sponsor) pero ang taga kalabit sa atin at taga kausap ng mga pwedeng kuning Ninong ay sya. Mayroon na tayong mga nakuhang Ninong pero mas magandang madagdagan pa (halimbawa, may magbibigay sa atin ng sapatos o kung hindi kalabisan ay bisikleta.)

TagaChismis – palaging babad sa social media. Pagtutulungan din natin ito pero sya ang nakatutok sa fan page para magpost ng mga pangyayari sa team. Maglalagay ng mga content sa page para magkaroon ng traffic at umabot sa limang libong likes ang page natin. Mahalaga din na pag-isipan kung paano natin maipapakita sa ating mga Ninong ang ating pasasalamat sa pamamagitan ng pagpost sa page ng mga content tungkol sa kanila.

Unuulit ko, kailangan lahat tayo magtrabaho para sa kapakanan ng grupo. Bilang Kapitan, ito ang aking nakikitang mga pagbabago na mangyayari:

Mas maayos na pagpaplano.

Kailangan nating matuto sa mga karanasan natin. Alam naman natin na nagahol tayo sa oras sa pagpapagawa ng tri suit natin. Mas maaga natin itong gagawin, mas kaunting stress sa atin. Sa aking opinion, maganda ang ating kasalukuyang tri-suit. Kailangan pa ba nating palitan para sa susunod na taon? Sa tingin ko, wag muna, mas magandang masanay sila sa kulay. Kung meron man kaunting pagbabago sa design, yan ay yung nasa pang-ibaba at sana ay madagdagan ang ating sponsor. Siguro isa pay ay ang pagbago ng pattern na hindi nagawa dahil gahol na sa oras.

Ayusin na rin natin ang proseso sa pagtanggap ng mga bagong kasama sa grupo. Maganda ang una nating patakaran na ang basehan ay ang pakiramdam ng grupo. Puso ang ginamit natin kaya tayo nagkakasama ng maayos. Pero dahil sumisikat na tayo, kailangan na din natin sigurong pag-isipan kung ano pa ang kailangan isama.

Napapanahon na rin siguro na tutukan natin ang pagbuo ng isang magandang portfolio para sa grupo. Kailangan natin na bigyan ng pansin ang pagpapakuha ng magandang larawan ng buong grupo.

Hindi pa rin natin natatapos ang usapin sa gamit ng “support fund.” May mga napagsabihan na ako dati na tingnan ito at magbigay ng mungkahi kung paano ito gagamitin. Kung maaari, pag-usapan na rin ito para naman hindi sya nakabinbin.

Itaas ang antas ng pagsasanay.

Oo kailangan na nating tigilan ang pagpapabebe sa pagsasanay. Kailangan nating magseryoso sa training. Kailangan na natin pag-isipan kung ano ang mga sasalihan natin sa susunod na taon para si Pangalawang Kapitan at si Coach ay mag-usap na at magkaroon tayo ng training program. Kasama dito ay ang pag-uusap kung paano natin maipapakita ang ating pagpapasalamat kay Coach (compensation).

Magkakaroon tayo ng schedule kung saan lahat ay magkakaroon ng pagkakataon na mag organize ng weekend training. Group run, long ride, SBR, brick, open water swim, yoga, HIIT, lahat yan ay magkakaroon ng pagkakataon ang lahat ng kasapi sa grupo na mag organize.

Nauunawaan ko na marami tayong pinagkakaabalahan pero kailangan din nating paglaanan ng panahon ang mga bagay na ito.

Mas malakas na mga laro.

Mas mabilis na 10K, at 21K. Mas magandang oras sa triathlon. Tumaas ang posisyon natin sa TU Team Competition. Lahat ng oras as Iron Man 70.3 ngayong taon ay kailangang higitan. Exceed yourself.

Mahaba na ito masyado.

El Oh Beh Eh

KapitanTM represent

 

 

 

 

 

Advertisements

About Kit Atienza

A researcher/runner/triathlete/cancer survivor who found himself in the world of development work. He enjoys, reflects, and rants about things while doing his job, improving his personal record in running distances, and training for the IronMan in 2016.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s