Salamat Po!

10947186_10153299198038487_4152772412296333745_n

Kapag naaalala ko ang mga pangyayari kahapon, naluluha ako. Habang tinitingnan ang mga larawan, nagbabasa ng mga pagbati, ng mga larawan ng mga kasama ko sa team at ang kanilang mga kwento ng tagumpay, naluluha ako. Ang saya-saya ko, naiiyak ako sa galak.

Lahat kami nagpapasalamat sa taong ang apelyido ay nasa dibdib ng amin tri suit. Ang taong mananatili sa aming dibdib. Lahat ng mga kwento namin kahapon ay dahil sa kanya. Dahil sa tyaga nyang turuan kami, itulak kami para mas bumilis, mas gumaling.

Kasama namin sya sa Iron Man kahapon. Pang anim syang nakatapos sa grupo nya pero sa amin, sya ang palaging una. Isang medal lang ang binigay sa kanya pero alam ko nang matapos kaming lahat, damang-dama nya rin ang tagumpay namin. Bukod sa medal nya, meron pang 11 na nagkamedal dahil sa kanya.

Salamat Coach Romeo Marquez!

Alam ko sinabi ko sa iyo dati na ayaw kong mag triathlon. Pero dahil kilalang-kilala mo ako, nahikayat mo akong gawin ito. Pagkatapos mo akong tulungan na pumasok sa Milo Finals, tinulungan mo akong maging tilapia sa pool ng Army Gym. Sinamahan mo akong bumili ng una kong bike. Kahapon, natapos ko ang Iron Man 70.3 at lahat yun ay dahil sa tyaga at pagmamahal mo.

 

Advertisements

About Kit Atienza

A researcher/runner/triathlete/cancer survivor who found himself in the world of development work. He enjoys, reflects, and rants about things while doing his job, improving his personal record in running distances, and training for the IronMan in 2016.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s