Sabi ko nga, picture-picture pace ang Skyway marathon ko this year. Dahil dyan, 6 hours akong tumakbo. Dahil sa tagal ng takbo, heto ang mga sinabi at narinig ko sa Skyway:
- Gel? wala akong gel. Oil control paper meron ako.
- Guys, camera! Positions, positions!
- Ang hirap ng maraming fans, gagawa na nga ako ng sarili kong fan page!
- Ay, si Kuya oh, nagmumukha na naman akong conservative sa iksi ng shorts nya!
- Hirap nito, kailangang naka smile ka palagi. Bawal sumimangot.
- Pangit pala ang tumakbong naka tights kapag sakang ka!
- Kailangan kong umihi kasi malapit na finish line baka malaki na naman tyan ko sa pictures.
- Pwede umasta ayon sa hitsura?
Ang haba lang ng 6 hours, andami tuloy mga sinabi 🙂
Advertisements
Ako laging naka Gel…. sa buhok 😀
“Gel? wala akong gel. Oil control paper meron ako.”
natawa ako dito. pramis! 😀